Thursday, June 09, 2005

1st stop.. Church Hunting....

Finally, I decided to post something sensible... sana nga may sense..hehehe.. of course, our 1st stop after we got engaged (paano? ayaw nga, secret namin yun :D) was looking for a church. Karenina's qualifications?? simple lang.. AIRCONDITIONED! Qualifications ko? simple rin lang.. Mataas ang ceiling para grandiosa ang dating.. hehehe. .. Ayos ba? ano akala nyo qualifications namin.... solemn? may dating? dun kami una nagdate/nagsimba? something meaningful? hindi no.. simpleng simple, airconditioned at mataas ang ceiling :D

With that,we narrowed our choices to the following:
1. Christ the King, Greenmeadows
2. National Shrine of the Sacred Heart, Makati
3. St. James the Great, Alabang
4. Santuario de San Antonio, Makati

We were all set actually for Christ the King.. gusto talaga ni Karenina dito and I have no objections ... maganda.. maluwag ang parking.. hindi ganon kahirap puntahan.. and most importantly.. malamig at mataas ang ceiling!! panalo di ba?! we asked if our date (March 18) was available.. available pa daw,,,, yung 10am :) the afternoon sked (3pm) was already booked. So yun, we pencil booked the 10am slot thinking na 'sige, ok naman ang morning wedding".

We then proceeded on looking at other churches.. Santuario de San Antonio was also an option kasi syempre aircon at ang taray ng church di ba? Unfortunately, it mostly caters to Forbes and Dasma residents unless you want a wedding at 7pm. So medyo out of the question na sya..

We also went to the National Shrine of Jesus in Dao since aircon din sya at maganda din yung church... unfortunately, mababa ang ceiling.. hihihihi

Next stop, St. James the Great! Syempre naman boto ako dito... ang lapit kaya sa bahay namin.. walang dahilan para malate ako on the big day (sana nga wag malate.. hehehe)... also, aircon na, grandiosa pa ang dating :D admitedly, bihira ako magsimba dito dahil mas malapit yung simbahan sa labas , St. Jerome... hehehe

days (and weeks ata) passed.. during those time ang usapan lagi is kaya ba namin ang morning wedding.. we were really convincing ourselves na ok ang morning wedding.. sa akin ok lang, kayang kaya.. hehehe.. kahit 30 mins before the wedding kaya ko magising and still be ready, exage?!?! THEN one say karenina just decided na ayaw na nya ng morning wedding, afternoon wedding na lang daw.. AND sa St. James na lang daw at wag na sa Christ the King.. hehehe

..... yan po ang version ko :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home